Frequently Asked Questions (FAQ's)


1. Bus, Ruta at mga Terminal

    a) Saan-saan ba ang biyahe ng JAM?

  • Marami po ang biyahe ng JAM. Araw-araw ay may mga bus ang JAM papunta at pabalik ng Laguna, Batangas at Lucena, Quezon. Para sa kumpletong listahan ng mga biyahe ng JAM, bisitahin lang ang aming website,
    http://jam.com.ph/jam_liner_bus_schedule.html.

  • b) Anong oras ang mga biyahe ng JAM?

  • Iba-iba ang oras ng mga biyahe, mula 2:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi, depende sa destinasyon na pupuntahan ninyo at kung saang terminal kayo sasakay. Maari kayong mag log-in sa website ng JAM sa http://jam.com.ph/jam_liner_bus_schedule.html para sa kumpletong detalye ng oras at biyahe ng JAM.

  • c) Magkano ang pamasahe kapag sumakay sa JAM?

  • Iba-iba po ang pamasahe depende po kung saang terminal kayo sasakay at bababa. Pwede po kayong mag log-in sa website ng JAM sa http://jam.com.ph/jam_liner_bus_schedule.html para sa fare rates ng JAM.

  • d) Saan matatagpuan ang mga terminal ng JAM?

  • Ang JAM ay may mga terminal sa Cubao, Quezon City; Buendia, Makati City; Binan, Balibago-Sta. Rosa at Cabuyao, Laguna; Turbina, Batangas City, Lipa, at Lemery, Batangas; at sa Lucena, Quezon. Para sa kumpletong listahan at contact numbers, pumunta lang sa website ng JAM,
    http://jam.com.ph/bus_terminal_philippines.html.

  • e) May ordinary bus ba kayo?

  • Paumanhin, lahat ng mga bus ng JAM ay air-conditioned upang masiguro na kumportable ang mga mahal naming pasahero habang bumibyahe.

  • f) May mga bawal bang dalhin sa loob ng bus o terminal ninyo?

    • Lahat ng uri ng mga hayop
    • Ano mang uri ng sandata na nakamamatay
    • Ano mang uri ng matatalim at matatalas na bagay
    • Mga pintura at mga kemikal na kauri nito
    • Ano mang uri ng mga paputok
    • Alinsunod sa utos ng Office of Transportation Security ng Department of Transportation and Communication, bawal sa bus at terminals ang mga sumusuno
    • Ano mang uri na nakakalason at nakakasakit na kemikal
    • Ano mang uri ng mga bagay na kalawangin at asuge
    • Ano mang uri ng gas na nakakalason at maaaring masunog o magliyab
    • Ano mang uri ng mga likido na maaaring masunog o magliyab

    g) Gaano po ba kadami at kalaki ang pwedeng dalhin ng isang pasahero sa bus sa pagbiyahe? May limit ba ito?

  • Ang bawat pasahero ay maaring magdala ng bagahe na hindi lalagpas ng sampung (10) kilo. Ang sobra sa sampung (10) kilo ay may dagdag na bayad.

    Ang máximum size na pwedeng ilagay sa baggage compartment ay may haba hanggang 3 feet at lapad na 2 feet.

  • h) Ano-ano ang mga facilities sa bus ninyo?

  • Ang JAM bus ay Wi-Fi ready, may audio-video, GPS at built-in chargers sa upuan ng mga iBus para po mai-charge ninyo ang inyong mga gadgets.

  • i) Nasaan ang LRT-Buendia terminal nyo?

  • Madali lang hanapin ang starting point ng Jampacked sa saya na mga biyahe! Punta lang sa LRT-Buendia terminal ng Jam Liner kung saan may mga bus na araw-araw bumibiyahe papuntang Laguna, Batangas, at Quezon.

    Ang JAM Liner LRT-Buendia terminal ay nasa Taft Avenue-Buendia intersection. Mayroon tayong location map sa ating Facebook page (www.facebook.com/JamLiner) para mas madali nyo itong mahanap.

    Bago at mas pinaganda pa ang JAM LRT-Buendia terminal, dahil may free wifi, LCD TVs, at aircon kayo for your comfort and enjoyment. Mas secure ang terminal dahil may CCTV at may convenience store para wala na kayong aalahanin. Mayroon rin tayong on-duty na customer service team na handang umalalay at tumanggap ng inyong mga katanungan. Kaya mas enjoy na ang biyahe ngayon.

  • j) Nasaan ang Cubao terminal nyo?

  • Madali lang hanapin ang starting point ng Jampacked sa saya na mga biyahe! Punta lang sa Cubao terminal ng Jam Liner kung saan may mga bus na
    araw-araw bumibiyahe papuntang Laguna, Batangas, at Quezon.

    Ang Jam Liner Cubao terminal ay nasa southbound EDSA lane, malapit sa intersection ng EDSA-East Avenue-Timog Avenue. Mayroon tayong location map sa ating Facebook page (www.facebook.com/JamLiner) para mas madali nyo itong mahanap.

  • k) Ano-ano ang mga facilities sa bus ninyo?

  • Ang JAM bus ay Wi-Fi ready, may audio-video, GPS at built-in chargers sa upuan ng mga iBus para po mai-charge ninyo ang inyong mga gadgets.

  • l) Lahat ba ng bus ninyo ay may WiFi?

  • Hindi po lahat ng bus ng JAM ay naka WiFi, ngunit hangad naming kompletuhin ito sa madaling panahon. Para malaman ninyo kung ang bus ay may WiFi o wala, may naka paskil na WiFi sticker sa windshield nito at sa gilid ng bus.

  • m) Mula Manila saan ba ang stop overs ng bus ninyo papuntang Lipa?

  • Kapag po ang bus ay galing ng Buendia, hihinto lang po sa aming controller sa AMA Makati para po sa inspection. Pagkatapos po ng inspection, diretso na po ang byahe via Calabarzon/Startoll hanggang Lipa.

  • Kapag po ang bus ay galing sa Cubao, wala pong stop overs, diretso po ang byahe via Calabarzon/Startoll papuntang Lipa.

  • n) Mula Manila saan ba ang stop overs ng bus ninyo papuntang Lemery?

  • Kapag po ang bus ay galing ng Buendia, hihinto lang po sa aming controller sa AMA Makati para po sa inspection. Kasunod po na stop over ay sa Turbina terminal para magbaba at mag pick-up ng mga pasahero, pagkatapos po ay diretso na ang byahe hanggang Lemery.

  • Kapag po ang bus ay galing sa Cubao, sa Turbina terminal lang po ang stop over para magbaba at magsakay ng mga pasahero, pagkatapos po ay diretso na ang byahe hanggang Lemery.

  • o) Mula Manila saan ba ang stop overs ng bus ninyo papuntang Lucena?

  • Kapag po ang bus ay galing ng Buendia, hihinto lang po sa aming controller sa AMA Makati para po sa inspection. Kasunod po na stop over ay sa Turbina terminal para magbaba at mag pick-up ng mga pasahero, pagkatapos po ay diretso na ang byahe hanggang Lucena.

  • Kapag po ang bus ay galing sa Cubao, sa Turbina terminal lang po ang stop over para magbaba at magsakay ng mga pasahero, pagkatapos po ay diretso na ang byahe hanggang Lucena.

2. Ticket, Pamasahe, at Reservation

    a) Tumatanggap ba kayo ng ticket reservation?

  • Paumanhin, sa ngayon ay walang ticket reservation sa JAM. Pero huwag kayong mag-alala, hindi na niñyo kailangan ng reservation sapagkat
    araw-araw ang biyahe ng JAM.

  • b) May bayad ba ang mga bata sa bus?

  • Walang bayad ang bata hanggang 6 na taong gulang kapag siya ay naka kalong.

    Ngunit ang lahat ng batang naka-upo, anong edad man nila, ay may bayad katumbas ng isang pasahero.

  • c) Kung sakaling nasiraan o nasangkot sa aksidente ang bus, refundable ba ang ticket kung sa ibang bus kami sasakay?

  • Kaagad na nagdidispatch ang JAM ng bus bilang kapalit sa nasiraang sasakyan para matuloy ang biyahe ng mga mahal naming pasahero sa kanilang destinasyon.

    Ngunit kung nais ng pasahero na magpa-refund ng ticket, ibabalik ng Bus Attendant ang halaga batay sa computation ng natitirang distansiya na binayad ng pasahero.

    Halimbawa:

  • d) May discount ba ang senior citizen at estudyante?

  • Oo, nagbibigay tayo ng 20% discount sa mga senior citizen at estudyante. Ipakita lang ang senior citizen I.D. o di kaya official school I.D.

  • e) Pwede ba akong bumili ng bus ticket online?

  • Sa ngayon po ay wala kaming online ticketing. Sa pagsakay po ninyo sa bus ang pagbabayad.

3. Advertising at Space Rental

    a) Nagpapa-rent ba kayo ng bus? Magkano ang rates?

  • Para sa special o charter trips at bus rentals, makipag-ugnayan lamang sa K3R sa telepono (+63 2) 810-8000, o pumunta sa kanilang website,
    www.bus-rentals.com.ph.

  • b) Maari bang mag-advertise sa bus ninyo?

  • Para sa advertising inquiries, makipag-ugnayan lamang sa K3R sa telepono (+63 2) 810-8000, o pumunta sa kanilang website,
    www.bus-rentals.com.ph.

  • c) Gusto ko sana mag-rent ng space sa terminal ninyo para magtinda. Ano po ang gagawin ko?

  • Tumawag sa (02)425-5489 at mag set ng appointment sa tanggapan ng HR & Admin department ng JAM sa Km43 Tagaytay Road, Barangay Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa, Laguna. Magdala po kayo ng inyong proposal tungkol po sa nais ninyong rentahan sa mga terminal ng JAM.

4. Lost Items, Baggages and others

    a) Ano ba ang lost & found procedure/policy ninyo?

  • Para mai-report ang nawalang gamit, mag fill up lamang ng form sa terminal, at isulat ang buong detalye ng inyong biyahe kagaya ng petsa, oras, bus number, at iba pa upang maimbistigahan at matukoy kung saan posibleng mahanap ang bagahe o nawawalang gamit. Ang mga detalyeng ito ay makikita sa inyong ticket. Maraming beses na nagbabalik ng mga naiiwang gamit ang aming mga Bus Assistant at Bus Captain. Ang anumang gamit na nakukuha nila matapos ang biyahe ay agad na ibinibigay sa management office upang mai-claim at maibalik sa may-ari. Pinapakiusapan ang mga pasahero na magdala ng valid ID sa pag-claim ng naiwang gamit.

    Importante po na ang mga bagahe ay nakarecord sa ticket or naka deklara para kung sakaling mawala ito sa hinding inaasahan na panahon ay mas mapapadali ang proceso sa paghahanap at pag-aayos ng problema.

  • b) Pwede bang magpadala ng bagahe/dokumento sa terminal? Magkano po ba ang charge?

  • Oo, puwede magpadala. Pumunta lang sa dispatcher sa alin mang terminal para magbayad ng ticket para sa bagahe/dokumento na ipapadala.

    Oo, puwede magpadala. Pumunta lang sa dispatcher sa alin mang terminal para magbayad ng ticket para sa bagahe/dokumento na ipapadala.

  • c) Gusto kong mag-apply ng trabaho sa JAM. Paano ako mag-apply?

  • Para sa mga latest na job openings sa JAM, palaging tingnan ang aming website. Kung sakaling merong trabaho na tugma sa inyong qualification, tumawag sa (02)425-5489 o magsadya lamang po sa tanggapan ng HR & Admin department ng JAM sa Km43 Tagaytay Road, Barangay Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa, Laguna. Magdala po kayo ng inyong Resume at recent picture.

Branding/Bus Livery Designed by Trifecta Visual Communications